TILA nagbabagang apoy ang singer-actress na si Maris Racal sa mga ipinaskil niyang mga larawan sa Instagram sa pagdiriwang ng ika-26 niyang kaarawan.
Bakas sa kanyang awra ang ligaya at pagiging kuntento sa buhay.
“(T)hank you guys for making me feel PAKAK on my birthday,” aniya.
Sadyang hindi na maawat ang pag-asenso ni Maris, noong nakaraang buwan lamang ay binuksan niya ang bagong negosyong coffee shop sa Port San Juan,La Union.
Noong nakalipas na Hunyo ay nagbakasyon sila ng karelasyong si Rico Blanco sa Europe at ibinahagi rin niya sa kanyang fans ang mga larawang kuha sa iba’t ibang makasaysayan lugar.
May age gap na 25 taon si Rico kay Maris ngunit hindi naging hadlang ito upang ma-enjoy nila ang bawat sandali ng kanilang pagsasama.
Unang inamin sa publiko ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2021.