Tinalakay ng mga kinatawan ng Philippine Universal Periodic Review (PUPR) Watch sa 54th UN Human Rights Council session sa Geneva, Switzerland ang lumalalang taktika ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa mga aktibista, health workers, community journalists at tagapagtaguyod ng karapatang pantao.
Naisiwalat ang “kabuktutan” ng NTF-ELCAC sa sarili nitong press conference nang isiwalat ng environmental activists na sina Jhed Tamano at Jonila Castro na dinukot sila ng mga ahente ng estado at hindi mga rebeldeng sumuko.
“This is a degenerative tactic, a new low for the NTF-ELCAC,” anang kalatas ng PUPR.
Patuloy na iniuulat ng PUPR team ang mga kaganapan sa Pilipinas sa tanggapan ng Special Rapporteur on Freedom of Expression and Access to Information.
Muling nanawagan si Bishop Melzar Labuntog, ang General Secretary ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) sa UN independent experts kaugnay sa red-tagging, freezing of assets, at pag-aresto at pagbilanggo sa church workers.
“Church groups living out their faith and expressions have met malignment and have been equated with terrorist groups,” sabi ni Bishop Labuntog.
“The clear trend of attacking church workers and ministries is a clear indication of how human rights, freedom, and justice are being trampled upon.”
Ayon kay Bishop Labuntog, may 15 terrorism-related cases filed na ang isinampa laban sa mga aktibista,mula sa mga alegasyon ng terorismo hanggang sa “financing terrorism with corresponding civil forfeiture charges.”
Ipinunto rin ang mga usapin kaugnaty sa red-tagging at censorship at ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ay ini-report ang pag-block sa 25 websites ng progressive news site ng National Telecommunication Commission base sa utos ng National Security Council.
“The first target of government repression will not be the last,” ani Atty. Kristina Conti, secretary general ng NUPL-National Capital Region.
Habang noong 26 Setyembre 2023 naging inaccessible ang Facebook page ng NUPL makaraan ang ilang paskil hinggil sa pagkondena sa pagpatay sa kanilang kapwa abogado.
Ibinalik ng Facebook ang page matapos magkamali sa pag-flag dito dahil sa umano’y paglabag sa “community standards.”
Nangako ang NUPL, mga kasapi ng PUPR Watch na suportado ang pagbisita sa Pilipinas ng UN special rapporteurs, kasama si Irene Khan, special rapporteur on freedom of expression.
Nagbigay ng oral intervention sa video noong 18 Setyembre 2023 ang Council for Health and Development (CHD) sa “interactive dialogue on economic, social, and cultural rights and COVID-19 recovery.”
Anomang araw ngayong linggo ay nakatakda ang susunod na intervention.