Hindi makakadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 78th Session of the United Nations General Assembly (UNGA78), na gaganapin sa headquarters ng UN sa New York sa September 18 hanggang 26.
Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na siya muna ang magrerepresenta sa bansa at tutuon sa mga panawagan para sa panuntunan ng batas at pagkilos sa klima.
Itatampok rin daw ni Manalo ang mga tagumpay at adhikain ng bansa bilang isang middle-income economy na may mahalagang boses pagdating sa usaping global affairs.