Nagbabalik muli ang two-time PBA Most Valuable Player na si James Yap kung saan puspusan ang kanyang ginagawa para mapabilis ang kundisyon.
Naglaro si Yap sa season-ending Governors’ Cup kung saan ipinakita niya kung paano pa rin siya makakatulong sa koponan ng Rain or Shine matapos matigil nang mahigit isang taon sa aktibong paglalaro.
Ayon kay head coach Yeng Guiao, mga ilang araw na ring nag-eensayo si Yap, ngayon ay konsehal na ng San Juan.
“We had an understanding on when he feels when is the right time for him to return, then he will play his last season for us,” ang sabi ni Guiao. “He’s been working out the past few days.”
May panahon pa para magpakundisyon si Yap bago bumalik sa aksyon, pero gusto ni Guiao na maging handa na ito bago muling sumabak sa kanyang huling pagsabak bago magretiro.
Nais ni Yap, ang seven-time PBA champion, na magkaroon ng magandang pag-alis sa PBA bago tuluyang magretiro at tiniyak naman ang Rain or Shine na ibigay itong kanyang kahilingan.
Habang nagbabalik si Yap, naghahanda naman ang buong koponan sa papalapit na PBA Rookie Draft sa Linggo kung saan magdadagdag ang Elasto Painters ng mga importanteng piyesa.
Isa sa mga rookies na naimbitahang mag-ensayo ng koponan ay si Christian David, isang 6-foot-6 forward na naglaro sa Butler University.
“He’s a legitimate 6-foot-6 who plays the wing position,” dagdag pa ni Guiao. “He’s very talented and there’s so much upside.”
Bukod kay David, marami pang iabng players ang tinitingnan ng Elasto Painters gaya nina Fil-American Stephen Holt, mga malalaking players na sina Keith Datu at Brandon Bates, Xavier Lucero, Luis Villegas, Schony Winston, Ken Tuffin, Ricci Rivero at Archie Concepcion.
Dalawang beses pipili ang Elasto Painters sa Draft at inaasahan ni Guiao na ang dalawang players na maidadagdag ay makakatulong kaagad sa koponan.