Opisyal nang inanunsyo ng Miss Universe Organization ang pagtanggal sa restriksyon sa edad para sa mga kandidatang lalahok sa nasabing beauty pageant.
Mula nang itatag ang pageant noong 1952, ang mga tinatanggap lamang na kandidata rito ay mula edad 18 hanggang 28.
Ngunit nang manalo ang Filipina-American na si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, na vocal sa kagustuhan niyang itaas ang age limit ng patimpalak.
Naniniwala kasi siya na ang kakayahan ng isang babae na sa anumang bagay sa buhay ay hindi dapat tukuyin dahil sa kanyang edad.
Aniya, “Age is just a number.”
Dahil dito, kahit nasa 40s o 50s ka pa, makakasali ka na sa Miss Universe! Dagdag mo pa ang pagpayag ng organization na makasali ang married at may anak na kababaihan, kaya’t open na rin ito sa lahat ng mga nanay.