Zamboanga Family’s Brand Sardines banked on Judel Fuentes, who hit two crucial free throws in the last 12.8 seconds of the game to lift the home squad to a tense 67-65 thrilling win over Nueva Ecija in the OKBet-MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Fifth Season at the Vitaliano Agan Coliseum in Zamboanga City.
Nagawang makalapit ng Rice Vanguards sa mga Zamboanguenos sa pamumuno nina Sumang na may tsansa pa sanang mailusot ang kanyang koponan hanggang sa dulo.
Pero dahil sa higpit ng depensa ni Jaycee Marcelino, hindi nagkaroon ng pagkakataon na makatira nang maayos si Sumang.
Dahil sa panalo, umangat sa 18-8 ang win-loss record ng Zamboanga at umakyat sa pang-apat na puwesto ng South division.
Sumadsad naman sa 17-8 record ang Quezon sa 29-team tournament.
Nagwagi naman sa isa pang laban ang Batangas City Embassy Chill kung saan nagbida dito si Jong Baloria sa reulation at overtime periods para maisalba ang 84-80 panalo kontra Quezon Province.
Walong puntos ang naitala ni Baloria sa huling apat na minuto ng regulation, dahilan para mahila nila ang laro sa overtime.
Si Baloria rin ang naging dahilan ng matinding panapos ng Batangas matapos magpakawala ng tres at sinelyuhan pa ito ng dalawang free throws ni MJ Dela Virgen para mas mapabuti ang team record ng koponan sa 21-5 sa South division, kalahating laro lang papalapit sa nangungunang South division leader na Bacoor (21-4).