Inihayag ng mga pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia at United States of America na nilagdaan nila ang isang memorandum of understanding (MoU) sa pagitan ng dalawang bansa kamakalawa.
Nabatid sa kalatas ng State Department na ang bilateral na MoU ay nagbibigay ng balangkas para sa pagbuo ng isang protocol para sa pagtatatag ng intercontinental green transit corridors sa pamamagitan ng KSA upang ikonekta ang kontinente ng Asya sa kontinente ng Europa.
Nilalayon ng proyektong ito na mapadali ang paglipat ng renewable electricity at malinis na hydrogen sa pamamagitan ng transmission cables at pipelines pati na rin ang paggawa ng rail linkages.
Nais din nitong pahusayin ang seguridad sa enerhiya, suportahan ang mga pagsisikap para sa pagpapaunlad ng malinis na enerhiya, isulong ang digital na ekonomiya sa pamamagitan ng digital connectivity at paghahatid ng data sa pamamagitan ng fiber cables, at isulong ang kalakalan at transportasyon ng mga kalakal sa pamamagitan ng tren at sa pamamagitan ng mga daungan.
Tinatanggap ng KSA ang papel ng USA na pangasiwaan at suportahan ang negosasyon, pagtatatag, at pagpapatupad ng green corridors transit protocol sa mga nauugnay na bansa.