Kinansela ni American legendary rock singer Bruce Springsteen ang kaniyang mga shows ngayong buwan ng Setyembre.
Ito ay dahil sa patuloy ang kaniyang pagpapagaling matapos dapuan ng peptic ulcer disease.
Sa social media post ng kaniyang kampo na ang nasabing desisyon ay base na rin sa naging payo ng mga doctor ng singer.
Giit ng 73-anyos na rock veteran na masakit sa kaniyang kalooban na makansela ang nasabing mga show.
Pagtitiyak naman nito na kapag tuluyan itong gumaling ay ipagpapatuloy niya ang mga paggawa ng mga show.
Nauna nitong Agosto rin ay kinansela ng singer ang dalawang show niya matapos na dapuan ng hindi malamang karamdaman.