Kinondena ng Russia ang patuloy na pagbibigay tulong ng US sa Ukraine.
Tinukoy ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov ang pinakahuling plano ng US na magbigay ng mga depleted uranium shells sa Ukraine.
Sinabi nito na lalong magpapalala ang nasabing tulong sa gulo nila ng US at Russia.
Ang nasabing depleted urananium shells ay ginamit na ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) forces sa Yugoslavia noong 1999 kung saan nag-iwan ito ng mga sakit sa mga kalusugan ng mga tao.
Magugunitang nagbigay ng panibagong tulong militar ang US sa Ukraine para palakasin ang counter-offense nito laban sa anumang banta ng paglusob.