Nagbabala si Premier Li Qiang ng Tsina at sinabing dapat tutulan ng mga bansa ang isang bagong Cold War.
Ang pahayag ng opisyal ng Beijing ay ginawa habang ang ang mga pinuno at matataas na opisyal, kabilang si US Vice President Kamala Harris, ay nagtitipon upang pag-usapan ang iba’t ibang isyu sa mga pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) nitong linggo.
Nagpahayag ang Beijing ng pagkaalarma sa US-backed blocs na umuusbong sa mga hangganan nito habang nakikipaglaban din sa mga hindi pagkakasundo sa iba pang mga rehiyonal na bansa sa South China Sea at iba pang mga usapin.
Nagbabala si Li na ang mga hindi pagkakasundo at alitan sa pagitan ng mga bansa ay maaaring lumitaw dahil sa hindi pagkakaunawaan, magkasalungat na interes, o panlabas na interbensyon.
“Disagreements and disputes may arise between countries due to misperceptions, diverging interests or external interferences,” sabi ni Li Qiang sa simula ng ASEAN-Plus-Three meeting kasama ang Japan at South Korea sa Jakarta.
“To keep differences under control, what is essential now is to oppose picking sides, to oppose bloc confrontation and to oppose a new Cold War.”
Sa isang summit ng mga lider ng ASEAN noong Martes, binigyang-diin ng Indonesia na ang bloc ay hindi gagamitin bilang instrumento sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.
Ang pahayag ng host country ay nagmula sa lumalalang hindi pagkakaunawaan ng US-China tungkol sa Taiwan, South China Sea, at paglusob ng Russia sa Ukraine.
Ang ASEAN-Plus Three ay binubuo ng 10 ASEAN Member States, China, Japan, at South Korea. Sina Premier Li Qiang ng Tsina, Punong Ministro ng Hapon na si Fumio Kishida at Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol, na gumaganap din bilang coordinator ng Plus Three na bansa, ay naroroon sa Summit at bawat isa ay nagpahayag ng kanilang buong suporta at pakikipagtulungan sa ASEAN.
Tulad ng opinyon ng mga political analyst at maritime experts, dapat sumunod ang Tsina sa international laws lalo na ang 2016 arbitration ruling na nagbabasura sa ipinagmamalaki ng Beijing na nine-dash line kaya nila kinakamkam ang halos kabuuan ng South China Sea.
Sabi ni Premier Li Qiang ng Tsina ,”oppose a new Cold War.” Walk the talk.