Heaven Peralejo, waging Best Actress sa Film Academy of the Philippines.
Isa na namang milestone ang ginawa ng aktres na si Heaven Peralejo nang manalo ng Best Actress award sa Film Academy of the Philippines (FAP) para sa kanyang pagganap sa “Nanahimik Ang Gabi.”
“Dreamed it, then real lifed it. Awarded by Film Academy of the Philippines as Best Actress for #NanahimikAngGabi,” anang aktres sa kanyang Instagram post.
Pinagbibidahan nina Peralejo at Ian Veneracion, ang suspense-thriller na pelikula na tungkol sa lihim na relasyon ng isang babae sa isang tiwaling pulis.
Tinalakay rin sa pelikula ang pakikibaka ng isang kabataang babae tungo sa kamulatan makaraang makulong sa kultura ng katiwalian at karahasan.Sinasaliksik din nito ang mga isyu ng pang-aapi ng karaniwang uring manggagawa. At, sa wakas, ang tanong: magkano ang handang bayaran ng isang tao para sa ambisyon?