Hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Ombudsman na habulin ang mga contractor na sangkot sa umano’y overpriced laptop procurement deals.
Kailangan aniyang magporsige ang anti-corruption body para mabawi ang pera ng bayan na ginamit sa maanomalyang pagbili ng overpriced laptops.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag matapos iutos ng Office of the Ombudsman ang pagpataw ng six-month preventive suspension without pay laban sa 12 opisyal ng Department of Education and Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) bunsod ng kontrobersyal na pagbili ng “outdated and overpriced” laptops para sa mga guro.
Sa 11-pahinang resolution, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na may nakitang sapat na batayan upang patawan ng preventive suspension para sa grave misconduct, serious dishonesty, at gross neglect of duty ang mga sangkot na DepEd at DBM officials.
“The Ombudsman’s decision to impose preventive suspension is a strong signal that any alleged wrongdoing will be treated seriously. It is equally vital to thoroughly examine the role of the contractor in this anomalous transaction, from its background to how it secured the contract,”ani Martires.
Matatandaan ipinagkaloob ng PS-DBM ang kontrata sa Sunwest Construction and Development Corp., LDLA Marketing and Trading Inc., at VST ECS Philippines Inc.
Si Pimentel ang may-akda sa Senate Resolution 120, na nanawagan ng isang komprehensibong imbestigasyon sa laptop procurement ng DepEd sa pamamagitan ng PS-DBM.
Sa nakalipas na mga pagdinig, nabisto ng Senate Blue Ribbon Committee na nabigo ang joint-venture companies na maka-comply sa technical specifications na kinakailangan para sa laptops, kaya’t hindi nagamit ng mga guro.
Hindi rin aniya nakapag-deliver ng kompleto ang mga kompanya batay sa takdang panahon na nakasaad sa procurement contract.
“Our citizens deserve to know the exact circumstances that led to the selection of the joint venture comprising Sunwest Construction and Development Corp., LDLA Marketing and Trading Inc., and VST ECS Philippines Inc. for this significant procurement,” sabi ni Pimentel.
“We must delve into the specifics of how these companies managed to secure the contract. Were there any irregularities in the bidding process? We must uncover the truth behind this contentious procurement to prevent such incidents from occurring in the future,” dagdag niya.
Binatikos din ng senador ang PS-DBM sa hindi agad na pag-blacklist sa suppliers na sabit sa maanomalyang laptop deals alinsunod sa rekeomendasyon ng Commission on Audit (COA).
“Where’s the hesitation coming from? We cannot help but question whether PS-DBM is in collusion with these suppliers, leading to such reluctance,” dagdag niya.