HINAMON ni Kabataan partylist Rep. Raoul Manuel ang matataas na opisyal ng administrasyong Marcos Jr. na mamuhay sa halagang P610 na katumbas ng minimum wage sa Metro Manila.
Sinabi ito ng mambabatas sa umaarangkadang pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa proposed P5.768-T budget sa 2024.
Ang P18,300 sahod kada buwan ng isang minimum wage earner ay 6.1% lamang ng tinatanggap na P300,000 buwanang suweldo ng isang miyembro ng gabinete.
Mas mauunawaan niya ng mga miyembro ng gabinete ang sitwasyon ng mga uring manggagawa kung susubukan nilang pagkasyahin ang minimum wage sa loob ng isang araw.
“I would actually want to challenge our officials and isama na rin po ‘yung mga nasa Cabinet na try po siguro isang buwan to live on minimum wage ‘no para po sa direct talaga o mas makunan po natin ng basis ‘di ba ‘yung ating mga positions and mga pronouncemens po natin on minimum wage,” anang partylist representative.
Ang Php610 minimum ay napakalayo sa family living wage (FLW) na Php1,163 , ang halagang kailangan ng pamilyang may limang miyembro para mabuhay ng disente, ayon sa Ibon Foundation noong nakaraang buwan.
Anang grupo, kahit Php13,420 na ang buwanang sahod sa Metro Manila, hindi pa rin ito aabot sa povery threshold o pamantayan ng kahirapan sa NCR.
Talaga namang makunat anila ang administrasyong Marcos Jr. kung sa pagkakaloob ng wage hike ang pag-uusapan, sa unang taon nito’y isang rehiyon lang (NCR) ang ibang rehiyon ay nganga pa rin sa inaasam na dagdag suweldo.
Samantalang sa unang taon ni Arroyo ay 9 ang wage hike, 17 kay Aquino III, at 11 sa panahon ni Duterte.