Bumagsak ang bahagi ng isang pader sa loob ng Quezon City Hall noong huwebes ng gabi na nagdulot ng pagkamatay ng isang construction worker.
Nangyari ang insidente sa isang construction site sa Civic Center B Building ng nasabing city hall.
Agad namang dinala ang mga biktima sa East Avenue Medical Center. Nasawi ang isang construction worker habang nilalapatan ng lunas.
Ang namatay na trabahador ay napaulat na nadaganan ng gumuhong pader.
Kinilala ang nasawing biktima na si Russel Grezo, 22; samantala ang mga sugatang biktima ay sina Erwin Ramos,32; Joshua Garcia, 23 at Christian Mamposte, 20.
“Hindi siya nag-collapse by itself… Hindi siya collapse, but rather dine-demolish talaga yung pader,” aniya ni QC engineering department head Dale Perral.
Ang concrete wall na gumuho dinedemolish ay para sa pagtatayo ng isang elevator.
Sisiguraduhin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na maipapaabot ang tulong pampinansyal sa mga biktima ng pagguho.