Nakukuba na sa tambak na trabaho ang mga kawani ng isang ahensya ng pamahalaan na lumalaban daw sa fake news.
Mistulang pinipiga raw ang kanilang utak sa rami ng ibinibigay na responsibilidad sa kanila ng Boss na wala naman sa kanilang pinirmahang kontrata.
“Mahirap pala ipakita ang iyong best kay Boss, sasamantalahin niya ang iyong talent. Parang gustong higupin ang laman ng utak mo,” sabi ng isang desmayadong obrero.
Bukod daw sa normal na isinusulat nila araw-araw, ipinahihiram pa ang mga kawani sa ibang departamento para sa dagdag na load, pero ang suweldo, walang umento.
Pinag-iisipan na raw magbitiw ng mga kawani at maghanap na lang ng ibang trabaho.
“Wala naman sa mandate namin na patayin kami sa katatrabaho, tao kami, hindi makina,” sabi ng isa pang nabubwisit na empleyado.
Clue:
aBagong upo lang raw si Boss sa kanyang puwesto at ang puhunan ay sumipsip dahil kapos sa talento.
“Moret ba siya? Bakit niya pinahihirapan ang kanyang mga empleyado?” tanong ng isang miron.
‘Yun na!