Pinainit na naman ng aktres na si Sunshine Cruz ang social media makaraang magpost siya ng ilan niyang bikini photos mula sa kanyang photoshoot noon pang 1999.
Sa larawan, fierce-looking ang aktres habang suot ang kanyang red bikini at nakaluhod pa sa isang lamesa.
Meron pang nakasuot siya ng black leather bikini na may brown jacket at ang huling picture ay mala-action star pa ang peg na naka-two piece din siya at may hawak pang baril.
“I found my baul full of old photos,” sabi ni Sunshine sa kanyang IG. “Here are some raw photos [from] almost 25 years ago (year 1999). More throwback photos to come.”
Umani naman ng magagandang comments mula sa netizens ang throwback post ni Sunshine at ilan lamang diyan ang kapwa-artista na sina Ruffa Gutierrez, Jackie Forster at Carmi Martin.
“I like the one with the gun!! Let’s go target shooting, @sunshinecruz718 [fire emoji],” sey ni Ruffa.
Lahad naman ni Carmi, “Maganda pero Mas….. Maganda ka ngayon [red heart emoji].”
Nagkomento rin ang anak ni Sunshine na si Chesca Montano at pabirong sinabi na nais niya gayahin ang mga pictures niya.
Currently single ang batikang aktres matapos ibunyag noong nakaraang buwan na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay.