Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 37 na nag-aptoba sa National Security Policy 2023-2028, na magsisilbing giya sa pagkaroon ng isang independent foreign policy ng bansa.
Inatasan sa kautusan ang lahat ng national government agencies, kasama ang government-owned and controlled corporations (GOCC) at local government units (LGUs), na ipatupad ang NSP 2023-2028 sa pagbubuo at implementasyon ng mga programa at estratehiyang may kinalaman sa seguridad.
Hinikayat din lahat ng “NGAs and instrumentalities, including GOCCs, and LGUs” at lahat ng sektor na lumahok sa pagpapatupad ng NSP 2023-2028 tungo sa isang “holistic approach” para tugunan ang mga isyung may kinalaman sa national security at mga prayoridad nito, alinsunod sa kanilang mandato, sa kanilang mga “area of expertise or jurisdiction.”
Ipagkakaloob ng National Security Council (NSC) Secretariat ang technical assistance at suporta sa mga ahensya sa pagbalangkas ng mga patakaran at estratrhiya na nakaapekto sa pambansang seguridad.
Habang ang National Security Adviser (NSA), ay magsasagawa ng isang periodic assessment at isusumite ang mga ulat sa Pangulo at sa NSC hinggil sa implementasyon ng NSP 2023-2028, gayundin ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, GOCCs, at LGUs sa paghahanda nito.
“The NSC, through the NSA, should thus monitor the implementation of the NSP 2023-2028, and upon consultation with and concurrence of relevant government agencies, GOCCs, and LGUs, propose memoranda, circulars, and other orders related to the implementation thereof, for the approval of the President.”