ORAS na nga ba para isama ang mga napapanahong isyu tulad ng karapatang pantao at iba pang kaganapan ng bansa sa kurikulum ng mga estudyante?
Nais ng Makabayan bloc na isama sa kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon ang usaping human rights matapos ang paglulunsad ng bagong kurikulum ng departamento noong huwebes, Agosto 10.
Sinabi ni House Deputy Minority Leader at Alliance of Concerned Teachers (ACT Partylist) France Castro na konektado ang usaping pangkapayapaan sa hustisya at respeto sa karapatang pantao.
Si Castro ay isa sa mga tumuligsa sa usapin ng paglalagay ng milyung-milyong intelligence fund sa nasabing kagawaran.
“Students should be taught about the government’s efforts in pursuing a peace process with various sectors to achieve a just and lasting peace.”
Binigyang-diin ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel na hindi dapat magamit ang ‘peace competency’ bilang paraan upang tirahin ang kritiko ng administrasyon, mga aktibista at upang magkalat ng kasinungalingan.
Para naman kay Rep. Arlene Brosas, dapat ituro rin sa mga mag-aaral kung paano nangyayari ang pang-aabuso sa karapatang pantao at kung paano sila makatutulong upang mapanatili ang demokrasya sa bansa.