Hindi mawawala si John Lloyd sa guest list ng kanyang kasal dahil lumaki na sila nang magkasama ng aktor, ayon kay Bea Alonzo.
“Sa totoo lang, isa siya sa mga unang nag-congratulate sa’kin…Syempre naman, hindi mawawala ‘yun. Lumaki kami nang magkasama, paano naman siya mawawala?” ani Bea.
Nagtambal sina John Lloyd at Bea sa mga pelikulang One More Chance (2007), sequel nitong A Second Chance (2015) at The Mistress (2012).
Ipinahayag din ng aktres na hindi pa sila nagpa-plano ni Dominic tungkol sa kasal dahil sinusulit pa nila ang oras bilang newly engaged couple.