Nais pasukin ni VivaMax star Angelica Hart ang mundo ng politika sakaling hindi palarin sa showbiz.
Ayon sa VivaMax star mula sa programa ng One News na Private Convos with Doc Rica noong 03 Agosto, balak niyang tumakbo sa 2028 elections.
“Tatakbo po ako doon as councilor,” aniya.
Kilala si Angelica Hart na gumaganap sa mga sexy films sa VivaMax gaya ng “Bisyo”, “High on Sex” at “Pantaxa Laiya.”