Napaulat kamakailan sa Baguio Chronicle na nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang alkalde ng San Antonio, Texas na si Ronald Niremberg nang magpunta sa Baguio City upang gawing pormal ang sister-city na relasyon sa lungsod.
Si Niremberg pala ay may dugong Pinoy at ang kanyang ama ay may lahing Ashkenazi Jewish.
Batay sa press release na ipinadala sa media sa siyudad, hindi tinukoy ang detalyeng ito tungkol sa Niremberg, pero ilang segundo lang ay puwede namang alamin ito kay Google.
Nagdaos ng farewell party para sa pangkat ni Niremberg sa Lone Star Cafe sa John Hay.
Ngunit ang masaya sanang okasyon ay naging kahila-hilkabot para sa American mayor.
Sa closing ceremony pala ay ginawa ang ritwal na owik o ang pagpatay sa isang itim na baboy gamit ang patalim.
Pinatayo si Niremberg sa harap habang isinasagawa ang ritwal
Ang owik ay upang ipahayag ang mga pagpapala para sa partido ni Niremberg ngunit alam nating lahat na ang pagbigkas ay gagawin ng baboy na tinutusok ng tulos ng kahoy.
Sa kuwento umano ng mga taong nakasaksi sa insidente, nanlaban ang baboy at natagalan bago ito namatay. Natural na sumabog ang kanyang dugo.
Nalaos ang pagiging matikas na imbestigador ni Mayor Benjamin Maglong Jr dahil ang isang simpleng background check sa kanyang panauhin ay hindi niya nagawa.
Si Magalong o sinoman sa kanyang staff ay hindi ba alam na si Niremberg ay Hudyo?
Ang mga Hudyo pala’y ay kakain lamang ng karne o manok na sertipikadong kosher. Ang karne ay tiyak na kinatay sa pamamagitan ng isang shochet (ritwal na pagpatay) ng batas ng mga Judio at ganap na pinatuyo ng dugo.”
Na-trauma umano si Niremberg at kinailangang i-escort palabas ng stage ng Lone Star Cafe.
Wala tayong nabalitaan pa na naglabas ng opisyal na pahayag si Magalong kaugnay sa insidente.
Ang narinig sa kanya sa nakalipas na mga linggo ay ang pagbatikos niya sa mga mambabatas hinggil sa korupsyon.
Paano makakapangalap ng matibay na ebidensya ang isang pumoposturang ‘graft buster’ kung isang simpleng background check ng kanyang bisita ay hindi niya nagawa?