Sinibak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang 87 tauhan ng BuCor bunsod ng naganap na rambol at isyu ng nawawalang preso sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon sa isang mapagkatiwalaang source,kasama sa mga tinanggal ay prison guards at tinatawag na ‘keeprs’ na naka-duty noong nawala at natagpuan sa septic tank sa NBP ang bangkay ng presong si Michael Catorja.
Itinalaga ni Catapang si Atty. Ferdinand Baluman para pangunahan ang imbestigasyon.
Upang maipakita ang isang ‘reformed’ na BuCor, kasalukuyang pinupuntirya ni Catapang ang mga kabataan para kunin bilang corrections officers (COs).
Noong nakaraang taon, 1,000 na bagong COs ang kinuha at nagdagdag pa ng 1,000 ngayong taon.
“They will constitute the new blood of BuCor who will regain the trust and confidence of the Filipino people,” ani Catapang.
Patuloy ang BuCor sa pag-oorganisa ng mga seminar at training upang isulong ang values formation sa lahat ng mga tauhan.