Isinumite sa House of Representatives ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang P5.768 trilyon pambansang badyet para sa 2024 kahapon.
Ayon sa DBM, mas malaki ito ng 10% sa badyet noong 2023.
Ang sektor ng edukasyon ang may pinakamataas na badyet na nagkakahalagang P924.7 bilyon. Mas mataas ito ng P895.2 bilyon sa inapubrahang 2023 General Appropriations Act (GAA).
Makakakuha naman ng P822.2 bilyon sa iminungkahing 2024 badyet ang mga programa sa ilalim ng public works at infrastructures na mas mababa ng 894.2 bilyon sa 2023 GAA.
Bumaba mula 314.7 bilyon sa 2023 GAA ang alokasyon sa health sector na 306.1 bilyon sa 2024 National Expenditures Program (NEP).
Pormal na ipinasa ng DBM Secretary Amenah Panganaman ang 2024 NEP kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang seremonya ginanap siyam na araw matapos ang pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.