Naging utility workers ang mga nurse sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa malalang understaffing sa pagamutan.
Ayon kay Karen Mae Faurillo, All UP Workers Union-Manila/PGH president, nang dahil sa kakulangan sa empleyado ng ospital ay napilitan ang mga nursing attendants na gumanap bilang utility workers.
“In 2018, there were about 420 NAs with plantilla positions. Presently, there are only 310 NAs in PGH. Still, no hiring was made to replace the unfilled plantilla positions,” anang Faurillo.
Dahil sa kakulangang ito ng mga empleyado at hindi pagkuha ng kapalit sa mga nurse na nag-reresign kada buwan, ang dapat na walong oras na duty ng mga nurse ay nagiging 16-hour shift.
Giit naman ni Benjamin Santos Jr., All UP Workers Union-Manila/PGH vice president, na dapat maghanap ang PGH ng health workers para sa mga bakanteng permanent plantilla positions.
Binigyang diin ng nasabing union na tila mawawalan ng saysay ang Magna Carta of Public Health Workers o Republic Act 7305, kung tatanggap ang PGH ng health workers at hindi naman ilalagay sa plantilla positions.
Tinawag ni Santos ang atensyon ng PGH at administrasyon Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang kalagayan ng health workers at tulungan silang maresolba ang problema sa understaffing.