Hiniling ng Philippine Football Federation sa mga Pinoy na ipanalangin ang pagwawagi ng Philippine Womens football team na Filipinas laban sa Norway sa nagpapatuloy na FIFA Womens World Cup.
Nakasentro ang atensyon ng lahat sa Filipinas matapos ang makasaysayang panalo 1-0 laban sa host country na New Zealand.
Gaganapin ang laban ng Filipinas sa Norway ngayon ganap na alas-3 ng hapon.
Kompiyansa si Philippine Football Federation (PFF) president Mariano Araneta na kayang makipagsabayan ng Pinay footballers sa Norway dahil naging puspusan ang kanilang pagsasanay matapos ang tagumpay kontra New Zealand.
Kapag nagtagumpay ang Filipinas laban sa Norway, makakapasok na ito sa round- of-16 ng FIFA Womens’ World Cup.