Marami hindi nakakaalam na may programang “land for the landless” sa Maynila para sa mga residenteng ilang dekada nang nangungupahan lamang sa mga pribadong lupain.
Ang sitwasyon, ang nangungupahan o tenant, ang may-ari ng bahay, ngunit ang lupa ay buwanang binabayaran ang upay sa mga tagapagmana, gaya ng mga angkan ng Legarda, Tuason, Padilla etc. etc.
Ang mga naglalakihang lupain nila sa lungsod ay unti-unting binibili ng lokal na pamahalaan ng Maynila upang ibenta sa mababang halaga o sa assessed value lamang sa mga tenant na matagal nang nakatira roon.
Napag alaman ng inyong lingkod na karamihan sa umuupa ay nagiging dilingkwente na at sakit na ng ulo sa mga tagapag mana ng titulo dahil hindi na sila regular na nakapagbabayad.
Marahil ay ito ang dahilan na rin upang ang mga tagapagmana ay napipilitan ibenta na sa siyudad para mapakinabangan ang pera.
Sa aking pagka alam dalawang presyo ang pinagbabatayan sa bentahan ng lupa , isang assessed value price at ang market value .
Ang assessed value na binabayaran ng mga pribadong may ari ng lupa ay sa mababang halaga para sa kwentada ng real property tax, samantalang ang market value ay ang presyong umiiral kapag ito ay bibilhin ng pribadong individual o korporasyon,in short mataas na presyo.
Kapag ang pamahalaang lokal ang bibili syempre sa assessed value ng lupa at ganun na rin pinababayaran sa tenant sakaling ito ay mai-award na sa orihinal na tenant.
Kaya ang pangarap ng tenant na magmay-ari sa lupang ilan dekada na tinitirikan ng kanilang bahay ay may katuparan na.
Ilan na rin ang nasaksaihan kong event na tungkol sa lot distribution sa Maynila kaya isa itong proyekto aking hinahangaan sa Manila LGU.
Ngunit linawin ko lang iyang programang “land for the landless” dito sa Maynila ay para lamang sa mga ilang dekada or henerasyon nakatira sa mga lupang pag-aari ng mga sinaunang land lord.
Masasabi kong napakapalad na rin ng mga taong ito na makamit ang kanilang minimithing maging kanila na ang kapirasong lupa na tinirahan ng ilang salinlahi.
Kaya hinanhangaan ko ang mga lider ng siyudad na may totoong paglingap sa mga Manilenyo .
Sadyang habang may buhay ay may pag-asa, kung lahat tayo ay magluluklok ng matinong lider sa ating lugar, lalo na sa darating na halalan sa barangay.