Umalma ang aktres na si Ellen Adarna sa isang news site na naglabas umano ng maling balita patungkol sa kanya na may kaugnayan sa ipamimigay nilang Taylor Swift concert tickets.
Nitong nakaraan kasi, nag-announce ang aktres na mamimigay sila ng concert tickets ni Taylor Swift sa kanyang recent Instagram video. I-follow lang daw ang IG account ng “life brand” na kino-curate n’ya para maging updated sa mga detalye.
“I’m happy to announce that E11ven is giving away free Taylor Swift tickets, the Eras Tour concert tickets in Singapore. So follow E11ven for more details and updates. We’ll be posting soon. I’m so excited,” pahayag ni Ellen sa nasabing video.
Pero ayon sa kanya, may isang online news site ang naglahad ng maling detalye sa pamimigay ng tickets at sinabi pa niya na ang headline umano ay “Basta i-follow lang daw siya… ELLEN, MAMUMUDMOD NG TAYLOR SWIFT CONCERT TICKETS SA FANS.”
Ito ang pinalagan ni Ellen dahil misleading umano ang ginawa ng local news site.
“Dear bulgar online, The nerve of you guys to tag me with misleading captions. [Y]ou guys claiming that you are ‘boses ng pinoy’ put us pinoys to shame. You can do better. Misleading write ups are so low. Lakas nyo maka false advertising,” saad ni Ellen sa post.
Mabuti na lang daw at kahit papaano ay maayos ang photo n’ya na nakalagay doon.
“But thank you tho, at least maganda ako sa photo na pinili nyo. Yan nalang – at least nagawa nyo maayos mamili in that are lol,” sabi pa ng aktres.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang entertainment editor ng pahayagan na si Janiz Navida para sabihing nabago na nila ang nauna nilang nai-publish na post about her.
“Dear Ms. Ellen Adarna, ayan na, nabago na namin ang title para maituwid lang at maunawaan ng mga gustong manalo ng Taylor Swift concert ticket na hindi ikaw ang kailangan nilang i-follow kundi ang negosyo mo na ikaw din naman ang may-ari at endorser,” saad ng entertainment editor na idinaan n’ya sa kanyang Facebook post.
Kumabig din ito para punahin ang aktres sa paraan ng pagsusulat nito.
“Tanong lang, kailan mo naman kaya babaguhin at gagawing capital letter ang simula ng ‘Bulgar’ at ‘Pinoy’??? Parang nakakahiya lang kasi sa mga Pilipino na hindi natin ito naisusulat nang tama, lalo na kung makikita ito at mababasa ng mga batang anak natin, baka akalain nilang tama dahil nakikita nila sa post ng isang celebrity at social media influencer na tulad mo?” tila pang-uurot nito.
Ganu’n pa man, nagpapasalamat daw ito dahil kinuha ni Ellen ang kanilang atensyon para itama ang kanilang post.
“But thank you though for calling us out, dahil mahalaga sa amin ang aming kredibilidad. ‘Yan na lang, at least, naituwid namin ang aming inihahatid na balita para sa mga taong patuloy na nagtitiwala at tumatangkilik sa amin,” saad ng editor.
Mukhang hindi naman ikinatuwa ng aktres ang nasabing pahayag at sinagot muli ito.
“Dear Janiz, at the end of the day its not the grammar or typo that matters. Its character – being accountable and owning up to your mistakes,” saad ni Ellen sa kanyang IG story at ayon pa sa kanya ay hindi umano iyon ang unang beses na nabiktima ng maling balita ang kanilang pamilya.
“This isnt the first time you make mistake like this – the first one was 2021 you apologized because i was ready to file a lawsuit for you involving my son (i have sceeenshots of your messages with derek),” sabi ni Ellen.