Tila nanggaling pa sa hukay si Epy Quizon matapos siyang mahuli sa media conference para sa finale ng teleserye na Dirty Linen.
Pinalakpakan at tinayuan ng kanyang mga co-star ang aktor na kamuntikan nang walang naabutan sa nasabing conference.
“I’m sorry I’m late, I came from a work in Tagaytay,” pagpapaumanhin ni Quizon.
Dahil nga nahuli ang aktor, siya na ang tinadtad ng tanong ng media sa kung ano ang kanyang mga di makakalimutang kaganapan sa kanilang mga shooting.
Ika ni Quizon, nag sign-off na raw ang kanyang karakter na si Ador, at nagbanggit siya ng tatlong bagay na hindi niya makakalimutan.
“Nasa kabaong na siya [si Ador]. […] There’s a lot of scenes that I had with Angel [Aquino] of course, yung first day namin sa house namin we were looking at each other, will this work?” ani Quizon.
Napapatanong na lang daw si Quizon at Aquino kung paano nila gagampanan at papaniwalain ang mga manunuod sa kanilang role bilang mag-asawa sa maikling panahon.
Nabanggit din ng aktor na hindi niya makakalimutan ang makatrabaho ang mga Fiero, ang mga bida-kontrabida sa teleserye.
“Grabe, you have to be on your toes. Yung mga dinner scenes na ayaw nila akong paupuin sa mesa, eh gusto ko makikain, yung mga ganon,” sabi ni Quizon.
Ginampanan ni Quizon ang karakter na si Ador Pavio na namaalamam sa palabas matapos ma hit-and-run.
Mapapanood ang Dirty Linen sa huling dalawang linggo sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas-diyes ng gabi.