Nakahanda si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na masadlak sa selda kapag isinuko siya ng Senado sakaling idaan ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest laban sa kanya sa hukuman sa Pilipinas.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, po-protektahan ng Senado si Bato, pero kung idadaan ng ICC ang arrest warrant sa local court, wala silang magagawa kundi i-give up ang kapwa senador.
“Andito lang ako, hindi naman ako magtatago. Kung meron silang warrant of arrest, let them serve the warrant. Kung ma-implement yan, huhulihin ako ng gobyerno ng PIlipinas. Walang problema basta gobyerno ng Pilipinas ang manghuhuli sa akin, wag lang yung mga foreigner,” sabi ni Bato sa Frontline Tonight sa TV5 kagabi.
Giit ni Dela Rosa, wala naman siyang magagawa kung magpapasya ang gobyerno ng Pilipinas na dakpin siya ngunit kung mga dayuhan ang aaresto sa kanya, kompiyansa siyang hindi papayag ang administrasyong Marcos Jr.
“Kung gobyerno ng Pilipinas ang mag-decide na hulihin ako, ano pang magagawa ko? Pero kung sila ang pupunta rito para hulihin (ako), ewan ko kung papayag ang gobyerno natin, di naman talaga papayag yung gobyerno natin,” sabi ng senador.
Umaasa si Dela Rosa na hindi magbabago ang paninindigan ng administrasyong Marcos Jr. na hindi papasukin sa bansa ang mga kinatawan ICC.
“Naririnig naman natin yung stand ng Pangulong Marcos na paulit-ulit na sinasabi niya na hindi sila makakapasok dito, wala silang jursidiction, hindi sila papayag na makapasok dito. Sana consistent naman sila, hindi yan magbabago. Otherwise, kung pabago-bago yung stand ng gobyerno, wala tayong maaasahan, talagang makakapasok sila. Pero kung consistent ang gobyerno natin na hindi sila papasukin, i-snobin sila, anong magagawa nila?”
Kaugnay nito, pinayuhan siya ni Sen. Francis Tolentino, legal counsel ni Dela Rosa, na mag-chill lang.
“Dapat nagsimula ang nivestigation prior to the effectivity ng withdrawal. The investigation should have started or should have commenced but within the period of 1 year. So dapat noong bago pa naging effective etong withdarawal nung march 17 2029 ay nagsimula na yung investigation.”