Inaresto ang isang miyembro ng Northern Police District-Special Weapons and Tactics (NPD-SWAT) team kamakawala sa Barangay Talang, San Carlos City, Pangasinan dahil umano’y ninakawan ang kanyang future mother-in-law ng P156,000 para ipambayad sa kasal nila ng anak ng biktima.
Kinilala ng Pangasinan Police Provincial Office ang suspect na si Police Corporal Jhomel Dassil Blas, 29, ng Barangay Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.
Nabatid sa imbestigasyon na habang naglalakad pauwi ang biktimang si Maria Carino, 64, kasama ang kanyang kapatid na si Jerrick, 27,isang security guard, bigla na lamang may umagaw sa kanyang bag na naglalaman ng P156,000 na pinagbentahan ng kanyang agricultural supply store at tumakas sakay ng getaway vehicle.
Tinukoy ni Carino si Jhomel, ang boyfriend ng kanyang anak bilang isa sa mga suspect.
Maging ang ginamit na getaway vehicle ay lagging ginagamit ni Jhomel kapag bumibisita sa kanilang bahay. , Kapos umano ang panggastos ng biktima para sa kasal nila ng anak ng biktima kaya nagawa niya ang krimen.