Itinaas sa full alert status ng Police Regional Office-Region 4B (PRO-Mimaropa) ng lahat ng kanilang istasyon bilang paghahanda sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Ang Mimaropa ay binubuo ng mga lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Sa isang kalatas ay sinabi ni RO4B chief Brig. Gen. Joel Doria na iniutos na niya ang “maximum preparedness and intensification” ng lahat ng anti-crime operations ng lahat ng police units bilang preparasyon sa SONA.
Nasa full alert aniya ang PNP personnel at nakahandang italaga sa iba’t ibang lugar bilang bahagi ng Civil Disturbance Management (CDM) operations.
“The public can assure of the readiness of all police units in the region, together with the different line agencies, in securing the community from lawless elements that may cause harm and threat to peace and order,” giit ni Doria.
Nagbigay rin siya ng direktiba na makipag-ugnayan sa AFP counterparts, force multipliers, stakeholders, at mga lokal na pamahalaan sa pagmamantine ng peace and order sa araw ng SONA.
“I already directed all field commanders and unit leaders in the region to intensify proactive security measures to ensure vigilance and readiness in their respective AORs during the 2nd SONA of President Ferdinand R. Marcos Jr.,” ani Doria.
Nauna nang sinabi ng PNP na mahigit 22,000 pulis at augmentation forces ang ipapakalat upang magbigay seguridad sa SONA at 5,000 ang itatalaga malapit sa Batasang Pambansa
GLEN JACOB JOSE