Tanging sina June Mar Fajardo, ang six-time Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association, at kapwa beteranong si Japeth Aguilar ang mga natitirang miyembro ng Gilas Pilipinas team na naglaro noong 2014 World Cup.
Kapwa mga batang manlalaro pa ang mga premyadong big men ng PBA noong 2014, pero siyam na taon matapos tulungan ang pagbabalik ng Pilipinas sa world basketball stage sa unang pagkakataon matapos ang 40 taon, muli na namang sasandalan ni head coach Chot Reyes ang mga inaasahan niyang front liners.
Mas matured at mas sanay na manalo sa laragan ng paglalaro, magsisilbing sandigan sina Fajardo at Aguilar sa kanilang mas batang mga teammates.
Handa naman sina Fajardo at Aguilar na gampanan ang kanilang bagong papel sa koponan.
Nagawa pang magbiruan ng dalawa sa maituturing na best big men in the PBA kung sino sa kanila ang siyang gagabay sa pibakabagong miyembro ng kanilang koponan na si AJ Edu, ang 6-foot-10 Filipino-Cypriot na napabilang sa pool of players para sa nalalapit na FIBA World Cup.
Ang FIBA World Cup ay gagawin sa Pilipinas kung saan sila ang main host at tutulungan ng dalawa pang ibang co-hosts na bansa, ang Japan at Indonesia.
Siyam na taon matapos unang maglaro sa World Cup, excited pa rin na pumagitna sina Fajardo at Aguilar pero mayroon silang mas malaking papel sa koponan, at isa rito ang alalayan ang nga batang manlalaro gaya ng batang si AJ Edu.
Dating player ng Philippine Youth team si Edu, kung saan ni-represent nya ang national squad FIBA World 3×3 competitions, at FIBA Asia Cup.
Sa kanyang unang salang bilang miyembro ng Gilas men’s team, kakailanganin niya ang tulong ng mga mas beteranong players katulad nina Fajardo at Aguilar.
“They’ve just have so much experience,” ang sabi ng 23 anyos na si Edu. “It’s going to be their third World Cup, so it’s pretty crazy. Watching them working on a daily basis, there’s so much I can soak in terms of knowledge, so I’m trying to be a sponge and take in as much knowledge as I can.”
Handa namang tumulong sina Aguilar at Fajardo sa abot ng kanilang makakaya.
“Promising siya para sa Philippine basketball,” ani Aguilar patungkol kay Edu. “Kailangan lang maging patient at importane talaga yung health niya.”
“He’s very agile for his size. Andyan naman si Kuya June Mar para i-guide siya. Ang daming advice na puwedeng ibigay ni Kuya June Mar kay AJ.”
Sinegundahan naman ni Fajardo ang mungkahi ni Aguilar.
“Yung leadership ipapaubaya ko na kay Kuya Japeth,” dagdag ni Fajardo. “Yung maturity namin ipapakita namin.”