Poot, paghihiganti at pag-ibig, diyan iikot ang kuwento ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN at TV5 na “Nag-aapoy na Damdamin” na mapapanood simula sa Hulyo 25.
Bida sa series ng JRB Creative Production sina Jane Oineza, JC de Vera, Ria Atayde at Tony Labrusaca sa direksyon ni FM Reyes.
Kasama rin sa teleserye sina Aya Fernandez, Nico Antonio, Maila Gumila, Joko Diaz, at Kim Rodriguez.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes ganap na alas-3:50 ng hapon pagkatapos ng “Pira-pirasong Pangarap” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z at TV5.