Kilig to the max ang fans nang marinig ang aktres na si Belle Mariano na tawaging “Babe” ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan sa vlog ni Darla Sauler sa You Tube.
“Babe, try mo ‘yung lato-lato,” sabi ni Bellel sa video habang hinihikayat si Donny na maglaro ng ‘lato-lato’ na kasalukuyang kinababaliwan ng mga kabataan.
Dahil sa tila rebelasyon sa tunay na iskor ng relasyong DonBelle, nag-trending sa Twitter ang “BABE TRY MO ‘YUNG LATO-LATO.”