BINAWIAN ng buhay ang dating World Wrestling Entertainment (WWE) at National Footbal Leaguestar na si Darren Drozdov sa edad na 54.
Sinabi ng kanyang pamilya, sakit na matagal na niyang iniinda ang sanhi ng kanyang kamatayan.
Noong 1999 ay nagtamo ng injury si Drozdov habang nakikipaglaban kay D’Lo brown na naging dahilan ng kanyang pagkaparalisa.
Naging football player siya at naging noseguard sa NFL sa loob ng tatlong season bago pumasok sa wrestling.