LABIS at hindi makatuwiran ang desisyon ng pamantasan ng Cabuyao sa Laguna na nagbabawal sa dalawang estudyante na makapagtapos dahil sa pagpuna sa mga patakaran ng unibersidad sa pamamagitan ng ‘online parody,’ ayon sa Commission on Higher Education (CHED).
Dahil dito, nagpasya ang CHED kahapon na imbestigahan ang nasabing pamantasan.
Una nang nagdesisyon ang natuurang unibersidad laban sa partisipasyon ng dalawang mag-aaral — sina Jomar Aquino at Joshwell Decena — sa kanilang baccalaureate mass at graduation exercises, ang huli ay nakatakda sa Lunes.
Sina Aquino at Decena ay kilalang namamahala sa isang university confessions page na kilala bilang PNC Secret Files sa Facebook.
Katulad ng ibang mga page ng confessions sa unibersidad, madalas itong nangongolekta ng mga anonymous na post na naglalaman ng mga malupit na pahayag laban sa unibersidad.
Gayunpaman, isang pasya noong Hunyo 22 ang nagpawalang-bisa sa kanilang naunang desisyon, na nagpapahintulot kay Aquino na makapagtapos at hinayaan si Decena na tapusin ang kanyang mga kinakailangan upang maka-graduate.
“The issues raised, particularly on the students right to ventilate their sentiments, and the penalties imposed on them are serious and must be looked into as it affects not only the completion of the studies of our students but touches on the fundamental right of expression of students in our ever-changing academic environment,” sabi ni CHED Chairman Prospero J. De Vera sa isang kalatas.
Sa kanyang paskil sa Facebook, sinabi ni Aquino na pinahintulutan na siya ng unibersidad na makapagtapos at magmartsa sa graduation ceremony.
“The university decided to allow me to graduate and march on the ceremony after their deliberation, as a result of the support that my post received and I still continue to receive. Thank you very much for your support,” ani Aquino.