ARESTADO ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa pag-iingat ng isang improvised pen gun na ginamit umano bilang armas sa naganap na riot sa Tondo, Manila kamakalawa ng umaga
Sa ulat ng mga elemento ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1, kinilala ang dinakip na suspect na si Glenn Distreza Jr, 19-anyos, kilabot na miyembro ng Bahala na Gang, at nakatira sa Building 22, Unit 521, Permanent Housing, Brgy. 128, Balut, Tondo, Manila.
Nakorner ng mga awtoridad si Distreza sa harap ng Building 16, Aroma Compound, Brgy. 105, Tondo, Manila dakong alas-7:20 ng gabi noong Lunes mula sa dalawang grupong nagpulasan nang maaktuhan ng mga pulis habang nagra-riot.
Sinampahan ang mga suspect ng mga kasong paglabag sa Article 155ng Revised Penal Code (RPC) o Alarm and Scanda at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law sa Manila City Prosecutors office.