Inamin ng beauty queen at aktres na si Herlene Budol na talagang may mga pagkakataong napapagod na siya dahil sa pagtatrabaho pero naiisip pa rin niya ang kanyang mga pangangailangan at maging ng kanyang pamilya.
“Iniisip ko po araw-araw yun e. Ay, parang napapagod ako. E, kung hindi ako mapagod, wala akong pera, wala kaming pagkain, wala kaming kahit ano. Ang sarap pong mapagod na may ginagawa, kesa mapagod kang wala naman. Sabi ko nga po sa sarili ko, puhunan ko po ‘to, e. Kumbaga sa negosyante, namumuhunan po sila ng pera. Ako po pagod, pawis, dugo, lahat po. Ito po yung puhunan ko,” sabi ni Herlene.
“Alam po ni Sir Wilbert lahat yan. Kapag alam naman po niyang hindi ko kaya, hindi niya po tatanggapin. Kapag nakikita niyang…ako ho kasi, parang hindi ko kaya pag walang trabaho. So, nandiyan ho siya, sobrang nagga-guide ho siya sa akin nang tama,” dagdag niya.
Itinanggi rin ng dalaga na madalas umano siyang nagiging cause of delay sa taping ng launching series niya sa GMA 7 na “Magandang Dilag.”
Ito raw ang dahilan kung bakit inirereklamo na siya ng kanyang mga katrabaho sa naturang proyekto.
Pinabulaanan naman ng dalaga ang mga akusasyon sa kanya.
“Hindi naman po maiiwasan ‘yung mga ganu’ng bagay. Give and take naman po kami sa mga tapings, schedules, sa mga ibang lakad ba. ‘Yung mga outside world naman na schedule, obligasyon din naman kasi ‘yun,” pagdepensa ni Herlene sa kanyang sarili.
“Wala naman pong issue. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yung mga laging write-up tungkol sa akin. Pero happy po ako, salamat po ng marami sa mga nagra-write up po sa akin. Good or bad, publicity is still publicity,” dagdag niya.
Umani naman siya ng papuri sa mga co-stars niyang sina Chanda at Sandy kung paano nila ilalarawan si Herlene bilang katrabaho at bilang bida sa latest afternoon series ng GMA 7.
Pinatunayan naman ng veteran actress na si Chanda Romero ang pagiging professional ni Herlene,
“The first day I reported to the set and I met Herlene sa tent, right away, alam ko na hindi ako mahihirapan sa kanya because what I saw were pages of hand-written lines niya in yellow pad and I was thinking, ‘okay, she means business,’ and I was hoping sana hindi lang pang-first day ito ha? True enough, hanggang last day, ganyan siya kahit wala siyang tulog. Kahit na pagod na pagod siya, she had so many things on her plate. I love her also because she respects her colleagues. She respects our time, our efforts. She knows that this is a craft. Hindi talaga ako mahihirapan sa kanya. I liked her from the very start and I just like her even more kaya lang ang nakakatawa kay Herlene kapag nate-take two siya, pagbalik niya sa dressing room, ayan na, iiyak na yan kasi, ‘Hiyang-hiya naman ako Tita. Na-take two ako sa’yo! Nakakahiya sa’yo Tita!’ sabi ni Chanda.