Isang misis ng pulis ang naabutan ng mga otoridad habang kasama ang umano’y karelasyon nito sa loob ng isang kuwarto ng apartment sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod City nitong nakaraan.
Ayon sa paunang ulat, pinasok ng mga otoridad ang naturang apartment nang makumpirma ng nagrereklamong pulis na nasa loob ang kaniyang asawa.
Nang makapasok sa loob, inabutan ang misis na nakasuot ng damit pantulog, habang nakahubad naman ang lalaki sa kama.
Batay sa impormasyon ng mga pulis, ilang araw lang umanong inupahan ng misis at lalaki ang naturang apartment.
Isang Police Corporal ang nagrereklamong mister na nakatalaga sa Negros Occidental habang handler naman umano ng mga panabong na manok sa Maynila ang lalaki na umano’y kalaguyo ng misis nito.
Nagtungo umano sa Bacolod ang lalaki para kumuha ng mga manok.
Ayon sa misis, komplikado na ang relasyon nila ng kaniyang mister, na inakusahan niya na mayroon din umanong ibang karelasyon at kahit hindi naaktuhang nagtatalik ay kakasuhan pa rin ng adultery ang dalawa.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang misis at ang lalaki na umano’y kaniyang kalaguyo.
Samantala, itinuturing na pinakamalaking kidney stone sa buong mundo ang nakuha sa isang pasyente sa Colombo, Sri Lanka na mas malaki pa sa mismong kidney ng tao.
Sinabing may bigat na mahigit 800 gramo ang nakuhang kidney stone mula sa isang pasyente na retiradong sundalo at ang timbang nito ay limang beses umanong mas mabigat umano kumpara sa average adult kidney ng lalaki.
Ang haba ng nakuhang kidney stone, umabot ng 5.26 inches na mas malaki rin sa average adult size na kidney.
Payo ng mga eksperto para maiwasan na magkaroon ng kidney stone, uminom ng maraming liquid.
Bagaman puwede ang tsaa at juice, mas makabubuti umano kung tubig ang iinumin na hindi bababa sa dalawang litro kada araw.