Aminado ang aktres na si Julia Barretto na naligaw siya sa Venice, Italy matapos niyang dumalo sa “HAUS of Dreamers” event ng design and fashion brand na Golden Goose, kung saan isa siya sa mga global influencers na invited mula Pilipinas.
Limang araw ang ginugol niya para sa event ay nag-extend daw siya ng tatlong araw to explore Venice dahil first time niya sa napakagandang Italian city at dahil nag-uwian na ang mga nakasabay kaya mag-isang inikot ni Julia ang Venezia.
“It was a nice experience. First time ko mag-explore ever ng bansa nang mag-isa. That was a really nice experience. Gusto ko na nga bumalik…after nito [press con], balak kong bumalik. Hahaha! It’s beautiful. The weather, perfect; the food, alam mo na, perfect… Mas perfect kung may kasama talaga. Nothing beats talaga pag may ka-share ka sa experiences,” sabi ni Julia.
At dahil nag-iisa siya, nagkanda-ligaw-ligaw daw siya doon.
“Well, first time kong mawala, definitely. Hahaha! Pero it turned out to be one of the best experiences… they say nga diba, sometimes it’s just nice to get lost. And that was the first time that I really genuinely, literally got lost. I was worried at first. But after a while na-enjoy ko na siya kasi ang dami kong na-discover na…you know, in Venice may mga alleys do’n, maliliit lang diba? Minsan, parang, ‘Papasukan ko ba ito?’ Pero kapag nakapasok ka na sa alleyway nila, talagang there’s a beautiful restaurant, beautiful view…alam mo ‘yon?” sabi ng dalaga.
“And then, ang sayang mag-people watching. So, it’s just nice because when you go home in the hustle and bustle of Manila, diba? It’s just so nice to just sit down and watch people for a change. ‘Yong sila naman ‘yong pinapanood mo, and you know, eating alone, having a drink alone, having coffee alone, I think I had such a wonderful time,” dagdga niya.
Hindi raw kasi puwedeng hindi ka ma-distract pag nandoon ka na sa dami ng magagandang nakikita doon.
“Actually, ang sabi ko lang [sa sarili], dire-diretso lang para pag balik alam kong dire-diretso lang. Hindi ko rin alam kung ano’ng nangyari. Siguro na-distract ako, may gelattos, so, pupunta ako dito; may nakita akong pizza kukuha ako ng pizza. So, parang after awhile…ta’s maaano ka, e, you’d be in awe pag may bagong magandang view. So, susundan mo. Tapos, parang oh my gosh, sa’n na ‘ko babalik?”
Naging katuwang naman daw niya ang Google maps para makabalik sa kanyang origin, which was her hotel. And a little bit of familiarity instinct.