Nagbigay ng donasyon ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at ibinahagi ito ng PAWS sa social media account nito nitong nakaraan lamang.
Ipinakita ng organisasyon ang ilang loving moments ng aktres sa kanyang pagbisita sa shelter kasama ang pamilya at nagpaabot din ng taos pusong pasasalamat ang PAWS dahil namigay ito ng pagkain at mga kagamitan para sa rescued dogs and cats.
“Aside from bringing donations to the shelter, actress and animal lover Jodi Sta. Maria and her family also gave all the rescued animals they met today something very priceless and memorable for them, just pure love [red heart emoji],” saad ng caption ng PAWS.
Ayon daw sa aktres, nais nitong matulungan ang mas marami pang hayop na nangangailangan.
“Last January, Jodi shared how she rescued a kitten from the airport which she named Naia. Today, Jodi told us she wants to be able to help more animals in need as well as believing in our advocacy to champion better animal welfare in the country,” lahad sa post. “Thank you, Jodi, for not just giving Naia a good home but for also sharing your blessings with more animals in need and inspiring others to do the same [emojis].”
Marami naman ang bumilib sa ginawa ni Jodi at ng kanyang pamilya, kaya naman napa-comment ang ilang netizens.
Kung matatandaan, noong nakaraang ilang buwan lamang ay umani ng papuri ang aktres matapos iuwi ang isang umiiyak na kuting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakwento pa ni Jodi na kinuha niya ang pusa dahil nakita niya ito na tila humihingi ng tulong at nababangga-bangga pa ng mga push cart sa airport.