Aminado ang aktres at TikTok star na si Yukii Takahashi na nakatatlong boyfriend na siya sa kanyang buhay at sa tatlong beses na iyon ay tatlong ulit rin siyang na-heartbroken.
Pero ngayong single na siya, mas pinagtutuunan na niya ng pansin ang kanyang career lalo’t kasama siya sa TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Coco Martin kung saan katambal ang dating Hashtag member na si McCoy de Leon.
Siya rin ang bida sa digital series na “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile” kasama ang isa rin ring ex-Hashtag member na si Wilbert Ross na napapanood ngayon sa Puregold YouTube channel.
Ayon sa dalaga, trabaho muna talaga ang pagtutuunan niya ng pansin.
“Work lang po talaga muna. Pero kahit bago pa lang po kaming magkakilala talagang nagklik na kami, kaming lahat sa series, unexpected,” sabi ni Yukii.
“Same po kami ng mindset ni Wilbert na work na lang po muna, lalo na po ako ngayon. Kasi nag-i-start pa lang po ako. So, mas priority ko po talaga yung career ko other than anything else,” dagdag pa niya.
Wala raw silang kissing scene ni Wilbert sa 13-episode series ng “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile.”
“Hindi naman po kasi kailangan sa istorya. More on romcom po talaga kasi siya, e,” sabi niya.
Mukhang wala ring balak si Yukki na gumawa ng mga daring na pelikula sakaling kunin siya ng Vivamax.
“Under na po ako ng Cornerstone. I’m happy with them.”
Samantala, natanong din si Yukii kung nagsusulat din siya ng kanta tulad ni Wilber, “Compose? No. Pero may nagawa ako na song pero hindi pa siya niri-release.
“I wrote it with someone else. Tulungan, tulungan. Kasi, parang hindi ko pa kaya yung magsulat talaga ng buong kanta,” ayon kay Yukii.
Sa tanong kulang pa ba siya sa experiences at heartaches para makapag-compose ng kanta, “Feeling ko po sa heartache, wala po akong masasabi diyan dahil marami po tayong pinagdaanan.”
“Marami po tayong suluk-sulok na nadaanan. Marami tayong hugot sa buhay kaya I really love doing crying scenes. Kasi I feel like it’s raw,” paliwanag ng dalaga.