Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na gigibain na umano ang lumang building sa main office nito sa Maynila dahil gagawa ng panibago at mas modernong gusali para sa ahensya.
Taong 2019 pa nang idineklarang condemned building ang main building ng NBI at kapag tuluyang nai-demolish ang gusali, pansamantalang ililipat ang mga nakadetene.
Ayon sa NBI, pansamantalang ililipat ang halos 200 naka-detain sa NBI main office sa Bureau of Corrections sa Muntinglupa, pero sa hiwalay na pasilidad.
Kasama sa mga naka-detain sa NBI ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Paglilinaw ng NBI, hindi naman sila isasama sa mga bilanggo o persons deprived of liberty o PDLs ng BuCor.
Gagawin ang paglipat sa mga ito bago tuluyang gibain ang building ng NBI headquarters.
Nitong Martes, nagsagawa ng groundbreaking ceremony sa NBI headquarters sa Maynila.