Aminado ang aktres na si Andrea Brillantes na naging hobby na niya ang pangongolekta at paglalaro ng mga Bratz Dolls noong bata pa siya kesa sa Barbie kaya naman hindi na bago sa kanya ang kanyang role bilang drag queen sa bago niyang iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kasama sina Christian Bables at JC Alcantara.
Ayon sa dalaga, talagang mas super confident siyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin kapag naka-drag costume na siya complete with makeup.
“Ever since I was three years old I was already into makeup. Noong nagka-lockdown, noong early pandemic, nanood ako ng ‘RuPaul’s Drag Race.’ Tapos, super ako natuwa,” sabi ni Andrea.
Kasunod nito, agad daw niyang tinawagan ang kanyang glam team para sa kanyang drag queen transformation hanggang sa tawagin na nga siyang Valentine Royal na siya ring ginamit na pangalan niya sa “Drag You & Me.”
“Noong unang beses ko pa lang na nagawa ko si Valentine Royal, ibang-iba siya sa everyday makeup ko. Kapag naka-drag ako, feeling ko ang perfect-perfect ko. Iba ‘yung confidence na nabibigay niya sa akin. Parang hindi ako si Blythe, parang nagiging ibang tao ako. May iba akong persona. Iba si Valentine Royal kay Blythe. Iba ‘yung confidence na naibibigay niya sa akin,” sabi ni Andrea.
Dagdag pa niya, kapag naka-Valentine Royal costume daw siya parang ang feeling niya kering-keri niyang gawin ang lahat ng naisin niya without fear of being judged.
Pero ang talagang ikinatutuwa raw ni Andrea kapag nag-transform na siya bilang drag queen.
“Mas pantay ang mukha ko kapag naka-drag ako. Conscious kasi ako sa right side ng face ko. Pero kapag naka-Valentine ako, pantay. Mas malaki ang labi ko, ang liit-liit ng ilong ko, gustung-gusto ko ‘yung mata ko,” sabi ng dalaga.
Samantala, nabanggit nga ni Andrea na hindi siya masyadong fascinated sa Barbie noong bata pa siya.
“Ever since noong bagets ako, sa mga toddler level, adik ako sa Bratz. I was a Bratz girl. I was never a Barbie girl. So, para sa akin, ‘yung makeup ng drag, super fascinated ako kasi para siyang childhood ko kasi para siyang Bratz level. Iba ang nabibigay sa aking confidence ng drag,” saad ni Andrea.