Ngayong patapos na ang tag-init ay tila nagbabadya na naman ang malalaking bagyo, kaya dapat nang maghanda ang lahat ng mga pamahalaang lokal na malimit tamaan ng mga sakunang gaya ng pagbaha dulot ng pag-uulan.
Dito sa NCR or Metro Manila dapat kumilos ang lahat na may katungkulan mula sa gobernador, mayor, vice mayor, barangay officials na siguruhin ang mga kanya kanyang paghahanda na alam naman nila taon-taon ay problema.
Mga kanal, imburnal, ay umisahan ng linisin and of course dapat din ang tulong ng lahat na mamamayan , “Tapat ko linis ko” now na!
***
Nag-uumpisa na namang magpa-pogi ang mga naghahangad na maluklok sa puwesto ng barangay at ngayon pa lang ay ramdam na ramdam na ng tao ang mga pagkakalinga sa kanila — of course, tuwing eleksyon lang ito.
Bilang paalala sana ay maging mapanuri ang mga botante sa kanilang susunod na ihahalal sa puwesto dahil napakahalaga ng halalan na ito sa bawat buhay ng mga tao at ito ay napatunayan na nitong nakaraang pandemya.
Sa eleksyon na ito, naging magandang sukatan ang ipinamalas ng mga lider at dito rin nakita ng tao kung sino ang tamad at pabaya at tanging puwesto at pakinabang lang ang kinukuha sa barangay ng mga opisyal, halal o appointed.
Pakinabang ba kamo? Siyempre, suweldo ng mga tserman, kagawad, secretary at treasurer, parang pagtapos ng eleksyon ay tuloy ang dating ng biyaya kahit konti lang ang galaw.
Tayong mga boboto, sana ay maging mapanuri at oo nga, mahirap supilin ang “vote buying” pero itatak niyo sa isip niyo na ilang taon na naman kayong iisahan ng mga demonyong barangay elected official na magaling lang sa attendance.
Sa DILG, sana meron kayong job evaluation sa mga ugok na tamad na halal na barangay official upang puwedeng suspindihin, sibakin o kasuhan kung nagpabaya.
Ito na pagkakataon niyo mga kababayan, sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na ito, dalawa lang magyayari — ire-elect niyo pag magaling at ilaglag ninyo kung palpak at hindi nagtatrabaho opisyal o hindi napagkikita.