Walang kiyeme sa pagsagot ang aktres na si Maui Taylor sa isang panayam kung saan natanong siya kung sino sa mga kasama niya dati sa Viva Hot Babes ang maldita.
Sa panayam ni Carmina Villaroel, naikuwento ni Maui ang ilang naging experience niya noong kasagsagan ng kasikatan ng Viva Hot Babes, kabilang na nga ang naging issue sa kanila ng isa pang member ng grupo na si Jen Rosendahl.
Natanong ni Carmina si Maui sa segment na “Trip to The Hotseat” kung “Sino sa mga Hot Babes members ang pinakamaldita?”
“Ang number one na medyo nagkakaroon kami ng friction with before and we always say this naman sa interviews, it was really Jen Rosendahl,” sagot ni Maui.
“She’s German e. Half-German, half-Filipino so ‘yung orientation nung attitude is very different. Very straightforward, which during that time, of course, the culture is different, we weren’t really used to it e. So feeling namin parang sa kanya lagi nagkakaroon ng friction,” dagdag pa niya.
Pero mabilis namang nilinaw ni Maui na noon pa yun at naiintindihan na nila ngayon ang ugali ng isa’t isa lalo pa’t halos lahat sila sa Viva Hot Babes ay mga mommy na kaya nag-mature na rin ang mga pananaw nila sa buhay.
“Pero now that we’ve matured, mommies na, we’re all friends, we’re all good friends,” pahayag pa ni Maui.
Matatandaang nilisan pansamantala ng aktres ang showbiz para tutukan ang pag-aalaga sa kanyang dalawang anak, sina Antoine Miguel at Matteo Alonzo.
“I wanted to be there and guide my kids. Sabi nila, you have until seven years old to instill the right values to your kids. Ako naman, why wait till seven? Bata pa lang, teach them what they need to know. The right thing to do. So now, I can leave them alone,” sabi ni Maui.
“But they’re still in that age that they still go to me most of the time. When I became a mom, I became more responsible. Nawala na ang gimik. I would still go out from time to time, but not like before. I became more focused as a mother,” dagdag niya.