Aminado ang aktres na si Kris Bernal na nakakaranas siya ng mga insecurities ngayong ipinagbubuntis niya ang panganay nila ng asawang si Perry Choi at sa kanyang IG ay ibinahagi ng aktres na minsan ay nararamdaman niya na hindi siya maganda o attractive.
“I’ll be honest: I don’t always feel attractive while I’m pregnant,” sa kanyang caption.
Ayon pa sa kanya, kamakailan ay madali na siyang mapagod, mabagal din daw siyang kumilos at feeling bloated.
“Most days I’m more like a turtle on its back trying to get back on its feet – always in a slow pace, gets tired easily, feels big/bloated, and all those insecurities that just any pregnant women go through,” sabi pa ni Kris.
Libo-libong fans naman ang napa-comment sa post ni Kris at inihayag ang kanilang papuri sa aktres.
Base sa recent update ng Kapuso actress, nasa second trimester na siya ng pagbubuntis at humupa na raw ang mga sintomas na nararamdaman niya, kagaya ng “morning sickness,” sakit ng ulo, at kawalan ng ganang kumain.
Kasabay niyan ay sinabi ni Kris na malaki na talaga ang kanyang tiyan at mukha nang buntis.
Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.