Balik sa mga pageant ang beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa pero this time, hindi siya rarampa sa entablado dahil siya ngayon ay hinirang na “Head of Empowerment” ng Miss Universe Bahrain sa Gitnang Silangan.
“I’m so excited to be part of the Miss Universe Bahrain organization, and I can’t wait to see what’s in store,” saad ni Kylie.
Ayon sa Dubai-based na Pilipinong marketing expert na si Josh Yugen, national director ng organisasyon, hindi na nag-atubili si Kylie sa pagpayag na maupo sa pwesto.
“Kylie is super accommodating, she’d help all the girls. She’s one of the humblest celebrities that I know,” sabi ni Yugen.
Ayon naman sa dalaga, last year pa siya nilapitan para sa posisyon.
“I was so excited. I was able to train some of the girls, even Evlin (Abdulla Khalifa, reigning Miss Universe Bahrain), especially with my experience in the pageant, proper mindset, [have] more confidence, how to prepare for a pageant. I feel so lucky, so honored and so blessed. And I would love to help other girls achieve their dreams,” sabi ni Kylie.
Dagdag niya, kahit ilang taon na ang nakalilipas mula nang huling bumandera sa pageants, hindi siya nag-alinlangang tanggapin ang alok sapagkat lagi niyang mamahalin ang industriya.
“You can take the girl out of the pageant, but you cannot take the pageant out of the girl. That’s where my core is, that’s where I began, so it won’t ever be out of my system,” sabi ng dalaga.
Kasama ni Kylie ang iba pang mga Pilipinong council members sa organisasyon. Maliban sa kanila ni Yugen, nandoon din ang international award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza bilang artistic director, Lorenzo Vega bilang head of innovation, at Raymond Gutierrez bilang fashion director. Si Khalifa ang natatanging Bahraini sa pangkat bilang head of culture.