Si Azi Acosta na nga ang bagong reyna ngayon ng Vivamax sa Pilipinas at sa iba pang bansa, sunod sunod kasi ang kanyang mga naging projects sa pinakamalakas na streaming platform ng Viva kung saan ay siya ang nasa lead role; Pamasahe, Suki, Balik-Taya, Sex Games at upcoming na ang Hugot.
Suki naman pagdating sa pagiging leading man ang kanyang regular partner on screen na si Benz Sangalang, na tinaguriang Pambansang Barako sa Vivamax. Pareho silang ni-launch sa Sitio Diablo, pelikula ni Roman Perez Jr., at mula noon ay nagsunod-sunod na nga ang mga projects na kanilang pinagsamahan.
Parehong palaban at walang arte sa katawan ang dalawang ito pagdating sa romansahan kaya naman patok sa masa ang kanilang tambalan kahit saang pelikula man sila magsama. Si Benz at Azi ay parehong Philmoda Artists na minamanage ng institusyon na sa larangan ng pagpapasikat ng mga artista ang batikang manager na si Jojo Veloso.
Sa isang panayam ay inamin ni Azi na siya ay birhen pa sa edad niyang 18 at ayaw nya munang magka jowa dahil baka daw bumigay siya.
Hindi na nagkakahiyaan ang dalawa sa tuwing mayroon silang maseselang eksena dahil nakailang beses na rin nilang ginawa ito.
Abangan ang mga palaban na eksena ng tambalang Azi Acosta at Benz Sangalang sa Sex Games showing simula April 28 at Hugot showing naman simula May 26 sa Vivamax.
Ang Sex Games ay sinulat ng National Artist na si Ricky Lee sa direksyon ni Mac Alejandre.