Nakipag-bonding ang TV host at beauty queen na si Rabiya Mateo sa kanyang BF na si Jeric Gonzales kung saan sumabak sila sa Brazilian Jiu Jitsu training, isang martial arts activity na may kinalaman sa pag-takedown, grappling at choking.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang naging training at kitang-kita ang pagiging palaban nilang dalawa at tiniyak niya sa kanyang mga fans na walang nasaktan sa kanilang dalawa dahil inaalalayan sila ng kanilang coach.
“Jiu jitsu training for today! Don’t worry no one was badly harmed in making this video. We were supervised by trained coaches,” sabi ni Rabiya. “This exercise is good in building strength and power.”
“PS, ready na po kami sa Physical 100 PH edition [peace emojis],” dagdag niya.
Makikita rin na nag-comment si Jeric at sinabing, “Let’s go babe [raising hands emoji] Physical 100 [laughing face emoji].”
Matatandaang nitong Pebrero lamang ay kinumpirma ng Kapuso actor na nagkabalikan na sila ni Rabiya matapos maghiwalay nang ilang buwan.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ang binata ng mga litrato nila ng aktres at dating beauty queen kasabay ng pagbati niya sa dalaga nitong nagdaang Valentine’s Day.
Kasunod niyan ay inamin ni Rabiya sa panayam with King of Talk Boy Abunda na papayag na siyang magpakasal kay Jeric sakaling mag-propose na ito sa kanya.
Napabalitang nag-break ang dalawa noong June 2022 nang i-unfollow nila sa Instagram ang isa’t isa.